Wednesday, December 11, 2013

diskriminasyon sa pagitan ng lalaki at babae



by Ahimsa Llamado

REPUBLIC ACT NO. 6725 -- Labag sa batas ang paboran ang lalaking empleyado sa Ibabaw ng babaeng empleyado sa mga kaso ukol sa pagasa ng ranggo, mga pagkakataon sa pagsasanay o pag-aaral o iskolarship.

Hindi din makatarungan ang pagbayad sa mas malaking sahod at pagbigay ng benepisyo sa lalaking empleyado para sa trabaho na ginagawa din ng babae.

Lahat ng pagtratrabaho at tinatiyaga ng babae ay balanse lang sa mga ginagawa ng mga lalaki. Kung ang mga lalaki ay pasipag, dito lang sila pwedeng magkaroon ng pagtataguyod, mas ma taas ang sweldo, o iskolarship. Kung walang ginagawa ang mga lalaki at siya kaagad ay pinagtataguyod, dito mapapansin ang paboran dahil lang siya ay lalaki. Hindi ito makatarungan sa mga babae. Hindi natin kasalanan na tayo ay napanganak na babae. At ito ang layunin ng Republic Act 6723. 

Kung ikaw ay babae at ang iyong lalaking katrabaho ay na “promote” at napansin mo na ang pagtratrabaho mo ay balanse lamang sa mga gawain niya, MAGSALITA. Wag kang maging tahimik dahil lang ikaw ay mahiyain! Tayong mga babae ay may karapatan! May mga batas na pwede mong gamitin ng pagebidensya kung ikaw ay may naiis sabihin tungkol sa iyong masamang pakikisama sa trabaho. Lahat tayo ay magkapareho, magapantay, at may layunin/serbisyo na pwedeng maaalok sa mundong ito. 

No comments:

Post a Comment