masusing-pag-iisip


MONICA

    Bilang isang babae at istudyante, importante sa akin na malaman ng mga kapwa kong kababaihan na hindi sila nag-iisa sa mundo. Pag naabuso sila sa ano mang paraan, importante na alam nila na meyroon silang mga karapatang dapat gamitin. Lahat tayo isinilang na pantay. Walang tao, walang kasarian, walang posisyon na dapat diskriminahin. Ang pag bigay-alam tungkol sa mga karapatan ng mga babae ay isang paraan upang iwasan ang abuso at diskriminasyon. Kapag nilalabag ang iyong karapatan, dapat kang magsakita. Babae man o' lalaki lahat tayo pantay. HUWAG MAHIYA, MAGSALITA.


ZOE

   Para sa akin, bilang isang istudyante at babae, importante na malaman natin na lahat tayo may karapatan mabuhay at lahat tayo ay magkapantay, kahit ikaw ay isang babae o lalaki. Kailanangan nating ipagbigay-alam sa mga tao ang lahat ng mga karapatan natin, bilang isang tao, dahil kailangan rin natin tumayo para sa ating mga sarili. Ang diskriminasyon at abuso ay hindi lamang problema sa Pilipinas, pero sa iba't ibang mga bansa rin. Kaya bilang isang babae o lalaki, LAHAT TAYO AY MAY MGA KARAPATAN.


CHLOE

   Bilang isang estudyanteng lasalyano, dapat alam natin ang tama sa Mali. Ang mga babae ay katumbas sa  mga lalaki, at DAPAT TAYO'Y MAGING MALAKAS AT LUMABAN PARA SA SARILI NATIN.



CHIN

   Bilang isang estudyante, natutunan ko na kaya kong mag isip ng solusyon para sa mga problema ng lipunan natin lalo na ang "gender inequality". Ang mundong ito'y hindi ginawa ng Diyos para sa mga tiyak na tao lamang, kundi para sa lahat ng klase ng tao. Ginawa tayong lahat na pantay pantay at dapat rin nating itrato ang iba na pantay pantay, hindi natin dapat iniisip na tayo ay mas-mataas o mas-magaling sa iba. Sa palagay ko, hindi naman ang mga batas ang kailangan natin para maiwasto ang mga problema na ito, ang kailangan lang talaga natin ay respeto sa isa't isa. Kailangan nating magtulong-tulong para walang maiiwan. Dapat nating itrato ang iba kung paano natin gustong itrato sa atin ng iba. Ang proyektong ito ay isang magandang pagkakataon para makita ang mga pwedeng maitulong ng mga estudyante sa lipunan. Sa ibang salita, natutunan ko na kahit na tayo mga estudyante pa lamang ay PWEDE NANG MAGSIMULA ANG PAGBABAGO SA ATIN.



AHIMSA

"Hindi sa taas ng edukaayon nasusukat ang pagkatao, mababa man pinag-aralan mo kung marunong kang RUMESPETO, daig mo pa ang EDUKADO."  -anonymous
   Lahat tayo dapat marunong IRESPETO ang isa't isa. Minsan-minsan, ito lamang ang kailangan natin sa buhay. IRESPETO ang ating kasarian. IRESPETO ang mga trabaho ng iba. At IRESPETO ang disisyon ng iba. 


No comments:

Post a Comment