by Monica Sy-Quia
REPUBLIC ACT NO. 9710 -- Ang Magna Carta para sa mga Babae ay isinulat upang siguraduhin ang pantay na pakikitungo sa mga babae at lalaki. Nininiguro nito na katumbas ang pagtanggap ng mga babae at lalaki sa trabaho at edukasyon. Ayon sa "republic act", hindi dapat gumamit ng mga pagguguhit, na nakakasira sa imahe ng mga kababaihan, sa media. Ang Magna Carta ay naglalayong bawasan at alisin ang mga kaso ng abuso. Binibigyan-diin ng "Republic Act 9710" ang mga karapatan ng kababaihan. Bilang babae, kailangan natin malaman ang ating mga karapatan. Hindi dapat tayong mahiyang magsalita. Upang magkaroon ng mabuting pagbabago, kailangan nating pagtibayin ang ating mga karapatan. PUKSAIN ANG DISKRIMINASYON!
No comments:
Post a Comment